Generic vs Branded Medicine: Ano ang Pagkakaiba?

What are the differences between branded and generic drugs?

  1. What is the Cheaper Medicines Act?
  2. What Are Branded Drugs?
  3. May pag-kakaiba nga ba ang branded na gamot sa generic?
  4. What are Generic Drugs?
  5. Alin ang mas Mainam: Generic vs Branded Medicine
  6. Paalala Tungkol sa Generic Drugs

One seemingly never-ending debate consumers have to contend with and think about is the one regarding branded vs generic drugs. In the Philippines, this becomes more apparent because more and more generic drug options are becoming available on the market. Despite that, there is still some sort of stigma that comes with hearing the word ‘generic’. What you should know is this: there is nothing to be worried about when it comes to generic drugs.

Upang malaman kung mas mabisa ang isang branded na gamot kumpara sa generic na gamot, kailangan tignan ang nilalamang sangkap dahil ito ang nakalulunas sa sakit ng tao. Halimbawa, ang paracetamol ay isang gamot na mayroong generic at branded na bersyon. Ngunit kung titingnan mo ang kemikal na komposisyon ng dalawa, makikita na parehas lang ang nilalaman nilang acetaminophen o paracetamol.

Sa madaling salita, walang pinagkaiba ang kanilang bisa. Kung pareho lamang pala ang nilalaman ng dalawa, bakit pa nagkaruon ng branded at ng generic drugs? Dahil ito sa Cheaper Medicines Act.

What is the Cheaper Medicines Act?

The Cheaper Medicines Act of 2008 aims to make quality medicine accessible to all Filipinos, regardless of their economic background. With the Cheaper Medicines Act, medicines are now more affordable to Filipinos, especially the less fortunate, leading to better health outcomes for the country.

What Are Branded Drugs?

blister packs of medicine

Branded drugs go under a brand name. Using the previous example, paracetamol is the generic name of a drug that is also available under popular brand names in the Philippines. When it comes to globally available common household drugs like paracetamol, brand names are purely for marketing purposes.

If a given drug is new, then the chemical formula is registered with a government-enforced drug patent. This protects it from market competition and blocks any form of generic drug production. The reason why pharmaceutical companies do this is that it helps them monopolize the market for a while, which helps them recoup their costly investments to develop the medicine itself.

Kapag natapos na ang bisa ng patent ng mga kumpanya, maari nang kopyahin ng mga generic drug manufacturer ang gamot at ibenta sa pamilihan bilang alternatibo. Dito na rin makikita ang susunod na pagkakaiba.

May pag-kakaiba nga ba ang branded na gamot sa generic?

Apart from looks and packaging, wala talagang pagkakaiba ang generic na gamot sa branded na gamot.

Pero kahit pareho lamang ang dalawa, may iba pa ring pumipili ng branded dahil sa tinatawag na familiarity or dahil nakasanayan na nila ito. Dahil nauna ang mga branded na gamot sa merkado, matagal na itong kilala ng mga tao at tinatangkilik ng mga mamimili. Alam na nila na gumagana ang gamot na ito at maraming takot na sumubok ng ibang brand, kahit pa mas mura ito, dahil sa tiwala na nabuo na nila sa branded name.

Isa pang rason bakit mas pabor ang ibang tao sa branded na gamot ay ang tinatawag na exposure at brand recall. Ang mga branded na gamot ay madalas na gumagamit ng mga endorser sa tuwing mayroon silang ineendorso na gamot na nakikita ng mga tao sa TV, social media, sa mismong mga botika at maging sa mga napapakinggan nila sa radyo. Dahil sa dalas nilang nakikita itong mga brand na ito, ito yung tumatatak sa mga utak nila.

What are Generic Drugs?

bottles of medicine

Generic drugs are simply unbranded versions of popular branded medicine, generic drugs are less expensive. However, it is important to remember that when it comes to medicine, price does not always determine efficacy. Just because you get your paracetamol at a cheaper price doesn’t mean your headache or fever won’t go away (assuming that you get your medicine from a reputable source).

Maraming rason kung bakit mainam ang generic na gamot.

  • Mas mura ito. Katulad ng sinabi namin kanina, mas mura ang mga generic na gamot dahil napaso na ang mga patent ng pharmaceutical companies para sa kanilang mga branded na gamot kaya puwede na itong i-produce ng iba pang mga kumpanya. Mas mura ang mga generic na gamot dahil hindi na kinakailangan ng mga kumpanya na magresearch at test para gumawa ng gamot – kinakailangan lang nilang kopyahin ang formula ng tested na gamot at i-produce.
  • Pareho lamang ito. Scientifically speaking, walang difference between generic and brand name drugs. Mayroong parehong amount of active ingredients delivered to the body at pareho lamang ang epekto ng gamot sa katawan.
  • Strict rules. Hindi lamang basta-basta puwede gumawa ng generic na gamot. Kinakailangang sundin ng maigi ang formula ng branded na gamot para masigurado na parehong-pareho o bioequivalent ang dalawa. Kaya generic medication can never be different from its branded counterpart pag kinumpara and active ingredients and chemical composition nito.
  • Ligtas ito. Kung gaano kaligtas ang branded na gamot, ganoon din kaligtas ang mga generic na gamot. Dahil nga ito sa mahigpit na guidelines o batas na kailangan sundin ng mga gumagawa ng mga generic na gamot para siguraduhin na sakto ang pagkakopya nila ng branded na gamot. Ibig sabihin, pareho rin ang bisa, ang side effects, at ang safety nito.

Kung may isang problema sa generic na gamot, ito ay na hindi lahat ng branded na gamot ay mayroong generic na katumbas. Ito nga ay dahil hindi pa napapaso o nag-expire ang mga patent ng ibang mga branded na gamot kung kaya’t hindi pa maaring gumawa ang mga generic companies ng generic versions ng mga ito.

Alin ang mas Mainam: Generic vs Branded Medicine

Marami ang nagtatanong alin ba sa dalawa ang mas mainam: ang generic o ang branded na gamot? Halimbawa si Aling Marites at si Aling Vicky ay parehong inuubo. Sabay silang nagpatingin sa kanilang doktor at sinabihang mayroon silang dry cough. Pagkatapos magpatingin, bumili si Aling Marites ng branded na gamot sa botika at si Aling Vicky naman ay bumili ng Lagundi syrup para sa dry cough. Makalipas ng limang araw na pareho silang uminom ng gamot sa ubo, sabay na nakaramdam ng ginhawa sina Aling Marites at Aling Vicky kahit na magkaiba ang kanilang ininom na gamot.

Dahil pareho lang ang nilalaman ng generic na gamot at branded na gamot, pareho lang rin silang nakagagaling. Walang lalamang o hihigit sa isa. Kaya rin sabay na gumaling sina Aling Marites at Aling Vicky ay dahil pareho lang din ang bilis ng bisa ng gamot sa katawan ng tao, maging branded o generic man ito.

Kung naghihigpit at kulang ng pambili, walang problema sa pagbili ng generic na gamot. Singbisa lang ito ng branded at mamahaling gamot sa mas mura at abot-kayang halaga.

Paalala Tungkol sa Generic Drugs

Kung nakasanayan ninyo na bumili ng branded na gamot at naisipan ninyo na lumipat sa generic na gamot, huwag magulat o magtaka na magkaiba ang kanilang itsura, kahit na parehong klase ang dalawa. Ito ay dahil sa tinatawag na trademark laws na nagbabawal sa pagkoya ng generic drugs ng saktong sakto sa branded drugs. Kinakailangang baguhin ang hugis, kulay, laki, at balot ng mga generic drugs ayon sa mga trademark laws. Huwag mag-alala dahil ang panglabas lamang na itsura ang nagbago pero ang laman ng gamot ay pareho lamang.

Key Takeaway

Walang masama sa pagpili ng mas abot-kayang gamot. Hindi lahat ng tao ay makakabili ng mga mas mamahaling branded na gamot. Ito ang dahilan kung bakit mas magandang piliin ang generic kung gusto mong maka menos o kung ikaw ay kulang sa budget. Alalahanin na pareho lamang ang bisa at nilalaman ng dalawang uri ng gamot na ito, kaya safe na safe at makasisiguro kang makakatulong ito, basta ito ay iinumin mo ng wasto.