5 Mga Gamot para sa Rayuma

Ano-ano ang mga p’wedeng gamot sa rayuma?

  1. Nonsteroidal anti-inflammatory drugs
  2. Corticosteroids
  3. Disease-modifying antirheumatic drugs
  4. Biologic agents
  5. Pain relievers

Overview

  • Ang mahusay na pangangasiwa at pag-inom ng mga tamang gamot para sa rayuma ay kritikal upang mapabuti ang kalagayan ng iyong kalusugan at maiwasan ang masamang epekto nito. 
  • Tatalakayin dito ang iba't ibang uri ng gamot tulad ng NSAIDs, Corticosteroids, DMARDs, Biologic Agents, at Pain Relievers na maaaring makatulong sa pag-alis ng sakit at pamamaga mula sa rayuma.
  • Matututo ka rin tungkol sa iba't ibang benepisyo at panganib sa pag-inom ng mga ito at kung paano ito makatutulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang rayuma ay isang kondisyon na nagbibigay nang matinding pananakit at pamamaga sa iyong mga kasu-kasuan. Ito ay p’wedeng makaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at kapag hinayaang lumala, magdadala ito ng iba pang sakit tulad ng heart attack, rheumatoid arthritis, at iba pa. 

Kaya naman sa oras na makaranas ka ng mga sintomas nito, mahalaga ang agarang pagkonsulta at pag-inom ng mga gamot para sa rayuma. Sa blog na ito, ating pag-uusapan ang mga gamot na ito para guminhawa ang iyong pakiramdam mula sa pananakit ng iyong mga kasu-kasuan. 

Nonsteroidal Anti-inflammatory Drugs

Ang Nonsteroidal Anti-inflammatory Drugs o NSAIDs ay isang uri ng gamot na ginagamit para labanan ang pamamaga at pagkirot dulot ng rayuma. Pinipigilan nito ang pag-produce ng prostaglandins sa iyong katawan. Ito’y chemical na nagiging sanhi nang pamamaga at pagkirot. 

Sa pagpigil dito, nababawasan ang sakit na dala ng rayuma at nagbibigay ito ng ginhawa sa iyong kasu-kasuan at iba pang apektadong parte ng iyong katawan.

Kabilang sa mga popular na NSAIDs ay ang ibuprofen, naproxen, aspirin, at iba pa. Bukod sa rayuma o arthritis, mabibili lamang ito sa mga pharmacy stores kung may reseta kang ipapakita galing sa iyong doktor.

Corticosteroids

Corticosteroids

Ang Corticosteroids ay mayroong anti-inflammatory properties na isang epektibong lunas para sa mga kondisyon tulad ng rayuma at arthritis.

Ang ating katawan ay natural na nagIalabas ng corticosteroids kapag tayo ay nai-istress o kaya ay may sakit, pero hindi sapat ang supply na ito para labanan ang inflammation, kaya dito papasok ang pag-inom ng mga gamot na may corticosteroids.

Halimbawa ng mga gamot na ito ay mabibili sa The Generics Pharmacy tulad ng mga prescribed medicines na BIOPRED Prednisone, DEXACORT Dexamethasone, at BETCLOGEN Clotri+Betamethasone+Gentamycin

Ngunit, dapat pa ring tandaan na ang pag-inom nito ay p’wedeng magdulot ng mga side effects gaya ng overweight, high blood pressure, pimples, insomnia, at iba pa. Kung kaya’t mahalagang sundin ang tamang dosage at mga payo ng iyong doktor sa paggamit nito upang maiwasan ang mga side effects.

Disease-modifying Antirheumaic Drugs

Ang Disease-modifying Antirheumatic Drugs o DMARDs ay karaniwang iniinom upang mapabuti ang sintomas ng rheumatoid arthritis. Hindi lamang ito nagbibigay ng relief sa kirot at pamamaga. Pinipigilan din nito ang mabilisang pagkasira ng kasu-kasuan sa katawan. 

Sa pamamagitan ng pagpigil sa sobrang immune response ng katawan, ito ay nakakatulong sa pagkontrol sa inflammation ng kasu-kasuan. Ilan sa mga mabibiling gamot nito ang DOLCETAL Paracetamol+Tramadol, RIMEPRIL Glimepiride, at URILZID Hydrochlorothiazide. Ngunit, kailangan mo muna ng reseta mula sa iyong doktor bago makabili nito.

May mga side effects ito gaya ng pagbaba ng resistensiya ng iyong katawan at komplikasyon sa atay o bato. Kaya naman dapat kang maging maingat at sumunod sa payo ng doktor sa pag-inom ng gamot na ito. Huwag mong kalimutang mag-follow up upang masuri ang iyong kalusugan habang iniinom ito.

Biologic Agents

Ang Biologic Agents o biologics ay mabisang gamot laban sa rheumatoid arthritis at iba pang autoimmune diseases. Ang mga ito ay nagmumula sa biological sources tulad ng tao, hayop, o microbes.

Tina-target ng mga sangkap nito ang mga sanhi ng inflammation sa katawan at nakakatulong sa pagkontrol sa mga sintomas ng sakit, pagpapabagal ng progression nito, at paggamot sa mga sakit ng kasu-kasuan.

Mahalaga ring tandaan na bago mo ito inumin ay dapat magpakonsulta ka muna sa iyong doktor at magpareseta ng tamang dosage para maiwasan ang ano mang side effects at komplikasyon.

Pain Relievers

Pain Relievers

Ang pain relievers ay mga gamot na tumutulong sa pag-alis ng sakit o discomfort sa ating katawan. Nakakatulong ito sa pag-alis o pagbawas nang pananakit at pamamaga sa mga apektadong joints.

Maliban sa pag-alis ng sakit, ito ay p’wede ring makatulong sa pagbawas nang pamamaga at pagtulong sa pasyente na makagalaw nang mas maayos at komportable. Ngunit mahalaga ring tandaan na hindi dapat ito gamitin nang madalas at  dapat sundin ang tamang dosage na inireseta ng doktor.

Key Takeaway

Ang rayuma ay isang sakit na p’wedeng maranasan dahil sa pagtanda o kaya ay dahil sa genetics. Kung anuman ang pinagmulan nito, mahalang agad itong aksyunan sa pamamagitan ng pagkonsulta sa doktor at pag-inom ng mga mga gamot para sa rayuma.

Para sa abot-kaya at dekalidad na gamot sa anumang sakit, bisitahin online ang The Generics Pharmacy—ang TGPagpagaling ng Pilipinas.

Related Blogs

Search on blog