Sanhi, Uri, Sintomas, at Gamot sa Almoranas

Sanhi, Uri, Sintomas at Gamot sa Almoranas
Isa sa mga karaniwang sakit na nararanasan ng mga Pilipino ay ang almoranas o hemorrhoids kung tawagin sa Ingles kaya ito ang magiging paksa natin sa artikulong ito. Ang mga sanhi, uri, sintomas at gamot sa almoranas.
Ayon sa mga dalubhasa, halos kalahating porsyento ng populasyon ay nakaranas na ng almoranas bago pa man sila tumuntong ng edad 50. Gayunpaman, isa pa rin ito sa mga sakit na hindi napaguusapan. Madalang itong maging paksa ng mga diskusyon ukol sa kalusugan. Mismong ang mga taong nakararanas nito ay nahihiyang umamin at lumapit sa kani-kanilang mga doktor.
Ngunit bakit nga ba may kahihiyang kaakibat ang pagkakaroon ng sakit na almoranas? Maaring ito ay dahil sa bahagi ng katawan na naapektuhan ng almoranas. Posible rin na iniisip ng karamihan na bukod na sila lamang ang nagtataglay nito. Anupaman ang maging kadahilanan, ang mahalaga ay mapuksa ang stigma na ito.
Upang makamit natin ang layunin na ito ngayon ay ating pagdidiskusyunan ang sakit na ito. Mabuti nating susuriin ang ang iba’t ibang sanhi, uri, sintomas, at gamot sa almoranas.

Ano ang Almoranas?

Ano ang Almoranas

Lingid sa kaalaman ng marami, ginagamit din ang salitang almoranas upang ilarawan ang mga ugat, balat, at malambot na kalamnan na nakapalaibot sa ating puwet at tumbong.

Sa madaling salita, almoranas din ang tawag sa bahaging ito ng ating katawan na bahagyang tutumutulong sa ating pagdumi. Mapababae man o lalake, bata o matanda, lahat tayo ay may almoranas.

Mayroon din naman sakit na tinatawag natin sa parehong pangalan – ang almoranas o hemorrhoids. Ito ang pamamaga ng ugat sa palibot ng puwet. Nagkakaroon tayo nito dahil nagbabago, nanghihina, at lumuluwag ang bahaging ito ng ating katawan habang tayo’y tumatanda. Subalit hindi ibigsabihin nito na ang mga nakakatanda lamang ang naapektuhan ng sakit na almoranas.

Mahalagang itala na ang almoranas ay tumutukoy din sa bahagi ng ating katawan subalit sa kasalukuyang panhon ay ngalan na ito ay ginagamit na lamang ukol sa sakit.

Iba’t Ibang Sanhi ng Almoranas

Maraming maaring sanhi ang almoranas at hindi lamang ito nakasalalay sa ating edad at naming inilista kung ano ang mga ito.

  • Edad Lahat tayo ay maaaring makaranas ng sakit na almoranas ngunit hindi mapagkakaila na mas madalas nitong naapektuhan ang mga taong edad 45 -65.
  • Pagbubuntis – Bukod sa mga may edad, ang mga nagbubuntis na kababaihan din ay madalas nakakaranas ng almoranas.
  • Pagtatae (Diarrhea) Maaring magkaroon ng almoranas pagkatapos makaranas ng chronic diarrhea.
  • Pagtitibi (Constipation) Ang sobrang pagiri na madalas ginagawa tuwing tinitibi ay maari rin sanhi ng almoranas.
  • Pakikipagtalik na pampuwit (Anal Intercourse) – Lalong lumuluwag at nanghihina ang butas ng puwet tuwing nakikipagtalik na pampuwit at pinapataas nito ang pagkakataong magkaron ng almoranas.
  • Pag-upo ng matagal na panahon – Nagdudulot ng matinding presyon sa ating tumbong ang pag-upo ng matagal.
  • Pagbubuhat ng mabibigat na bagay – Nagdudulot ng matinding strain ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay sa ating kalamnan at minsan ay idinudulot nito ang almoranas.
  • Diyeta – Sanhi din ng almoranas ang maling diyeta tulod ng hindi pagkain ng pagkaing mataas sa fiber at regular at mataas na konsumo ng kape at alak.  
  • Genetika – May mga taong ipinanganak na madaling kapitan ng sakit tulad ng almoranas at iba pa.

Mga Uri at Grado ng Almoranas

Una nating paguusapan ang iba’t ibang uri ng almoronas. Mayroong apat na uri ang almoranas na nakakategorya ayon sa sakit at paghhirap na dulot nito.

  • Internal HemorrhoidsTinatawag itong internal hemorrhoids dahil nagaganap lamang ito sa loob ng rectal area. Ang mga taong may internal hemorrhoids ay nakararanas lamang ng sakit ang pangangati sa kanilang tumbong tuwin sila ay umuuiri or dumudumi.
  • Prolapsed HemorrhoidsIto ay isang matinding uri ng internal hemorrhoids. Ang hemorrhoids ay sinasabing nagprolapse kapag ito ay nahulog na mula sa rectal area at umusli sa anal canal. Nagdudulot ito ng pagdurugo at pangangati. Minsan rin ay nararanasan ng mga may sakit ang incomplete evactuation o ang pakiramdam hindi pa tuluyang dumaloy ang dumi sa anal canal. Hindi dapat maabala ang mga may prolapsed hemorrhoid dahil itoy ay kusang uurong sa rectum.
  • External Hemorrhoids Kung ang internal hemorrhoids ay nangyayri sa loob ng rectum, ang external hemorrhoids naman ay nagaganap sa loob ng balat ng tunmbong. Kadalasang may kasamang dugo ang dumi ng mga taong mayroon nito at mas matindi ang nararanasan nilang sakit at pangangati. Gayunpaman, mas maraming gamot sa almoranas na ito kumpara sa internal hemorrhoids.
  • Thrombosed HemorrhoidsKapag lumala ang external hemorrhoids at hindi ito nalunasan agad ay maari itong maging thrombosed hemorrhoids. Nangyayari ito kapag nakolekta at namumuo ang dugo sa loob ng external hemorrhoid. Kasalukuyan itong kulay bughaw o lila, hindi malayo sa kulay ng ordinaryong pasa sa katawan. Hindi dapat ito putukin at galawin ng walang doktor sa paligid. Lalo lamang lalala ang sitwasyon pag ginawa ito at maaring magdulot ng matinding impeksyon. Minsan kailangan sumailalam sa operasyon upang matanggal ito ngunit may mga panahon din namang nawawala sila ng kusa.

Ngayon naman ay ipapaliwanag namin ang iba’t ibang grado o yugot ng almoranas:

  • Grade I – Ito ay maliliit lamang na almoranas na hindi nakausli. Madali lamang ito gamutin lalo na pag naagapan agad. Bahagyang sakit, pangangati, at paghihirap lamang ang naidudulot ng grade I almoranas. Minsan pa nga ay hindi sila nararamdaman kaya’t hindi agad-agad napapansin.
  • Grade II – Ang grade II almoranas ay kadalasng umuusli habang dumudumi pero bumabalik din naman pagkatapos. Ito na ang simula ng prolapsed o thrombosed hemorrhoids at nagdudulot ng onting sakit at iritasyon.
  • Grade III – Kapag mayroon nang nakausling bukol sa tumbong na kailangan pang itulak para bumalik, ibigsabihin nito ay umabot ng ng grade III ang almoranas. Ang mga kasong ito ay nagdudulot na ng kapansinpansing sakit, paghihirap, at pandurugo.
  • Grade IV – Grade IV almoranas ang pinakamalalang grado na maaring maranasan ng isang tao. Sa oras na ito, hindi na maaaring maibalik ang bukol sa loob ng rectal area anupamang pagtulak ang gawin. Kasama nito ang hindi maalis alis na pangangati, pamamaga, pananakit, pandurugo at iba pang komplikasyon. Maari rin itong magdulot ng malalang impeksyon kaya’t dapat ay agad na kumunsolta sa doktor.

Sintomas ng Almoranas

Sintomas ng Almoranas

Pagkatapos natin talakayin ang almoranas at iba’t ibang uri at grado nito, maari na nating puntuhan ang mga sintomas na nagpapahiwatig na ang isang tao ay mayroon na nito. Nararapat lang na alam natin ang mga sintomas upang ito’y agad na mapansin at magamitin ng gamot sa almoranas.

  • Pagdumi nang walang nararamdamang sakit ngunit may kasamang mapula at sariwang dugo ang dumi. Kung itim ang kulay ng dugong kasama ng dumi, maaring ito ay galing sa maliit o malaking bituka at hindi dahil sa almoranas.
  • Pananakit ng puwet partikular sa mismong anus o tumbong. Ang sakit na ito ay kadalasang sanhi ng pamamaga ng almoranas.
  • Pangagati or iritasyon sa butas ng puwet na walang rason o maayos na kapaliwanagan. Kapag ito ay naranasan, iwasang kamutin ang lugar lalo na kung madumi ang kamay upang makaiwas sa impeksyon.
  • Pamumuo ng bukol sa butas ng puwet na kadalasang lumalabas habang dumudumi at lumalala sa paglipas ng panahon.
  • Pamamaga sa puwet na dulot ng pamumuo ng bukol sa tumbong.
  • Pagkakaroon ng sensitibo at masakit na bukol sa palibot ng anus.
  • Pagtagas ng dumi mula sa puwet. Ito ang pinakamalalang sintomas at nangangahulugang malubha ng ang kondison ng iyong almoranas. Ibigsabihin nito ay tuluyun nang sumabog at nasira ang butas ng iyong puwet.

Lahat ng sintomas na nabanggit sa taas ay maaaring manggaling sa almoranas kaya’t hindi dapat itwo isa-walang bahala. Oras na ika’y nakaranas ng anumang sintomas ay agad na magsangguni sa iyong doktor upang agad na mabigyang ng lunas at gamot sa almoranas.

Mabisang Lunas at Gamot sa Almoranas

Mabisang Lunas at Gamot sa Almoranas

Isa sa mga karaniang maling akala ukol sa almoranas ay hindi ito maaring magamot. Walang katotohanan ang pahayag na ito dahil maraming lunas at gamot sa almoranas.  

Ang ilan sa mga lunas na ito ay maaring gawin sa ilalim ng bubong ng bahay samantalang ang iba naman ay nangangailangan ng kadalubhasaan ng mga doktor. Mayroon din namang mga gamot sa almoranas na nabibili sa mga botika ngunit maaring kailangan ng reseta ng doktor bago ito makuha.

Nating unahin ang mga maaring lunas sa almoranas:

  • Hot Sitz BathSimple lamang ang kailangan gawin upang makapagSitz bath. Una ay kumuha ng malaki-laking palanggana kung saan magkakasiya ang iyon baywang at puwetan. Puniin ito ng maligamgam na tubig at umupo sa loob upang maibabad ang iyon pwer. Manatiling nakaupo ng mga 10 – 15 minuto o hanggang sa lumamig ang tubig. Ang maiinit o maligamgam na tubig ay nakakatulog sa pagpapaluwag ng blood vessels at sa pagpapagaling ng pamamaga ng mga ugat.
  • Ice Pack or Cold Compresses Isang mabisang lunas sa pangangati at pnanakit ng puwwet ay ang paggamit ng ice pack o cold compress. Kumuha lamang ng plastik, lagyan ito ng yelo at ibalot ng tela. Pagkatapos ay itapal ito sa almoranas ng mahigit kumulang 20 minutos at gawin ito 3 beses sa isang araw. Laging tandaan na balutan ng tela ang mga ice pack o anumang cold compress na gagamitin at wag ito ididikit ng basta basta sa iyong balat.
  • Pagsuot ng maluwag na damit na gawa sa cotton – Kapag ika’y nakararanas na ng sintomas ng almoranas, iwasang magsuot ng masikip na damit. Sa halip ay magsuot ng damit at saluwal na ultra-breathable at gawa sa cotton. Pananatiliin nitong malinis at tuyo ang iyong anal area at mababawasang ang iritasyon at sintomas ng almoranas.
  • Operasyon – May mga panahong kailangan sumailalim sa operasyon para lamang matanggal ang almoranas at walang pambahay na lunas na makapagpapagaling nito. Kadalasang umaabot sa yugtong ito kapag hindi agad nabigyan lunas ang sakit at nagkakaroon na ng impeksyon.

Tayo nama’y magtungo sa mga gamot sa almoranas na maaring mabili sa mga botika:

  • Hydrocortisone AcetateItong gamot sa almoranas na ito ay maaring mabili sa uri ng cream, foam o suppository. Pumili lamang sa isa sa tatlo at huwag gamitin lahat ng sabay sabay. Lahat ng iyan ay inilalagay sa loob ng puwet ngunit ang cream at foam ay maaring dahan-dahang ipahid sa exterior hemorrhoids. Nakatutulong ang mga ito sa pagbawas ng pamumula, pamamaga, at pangangati.
  • Witch HazelAng witch hazel ay isang mahusay na antioxidant at astringent na karaniwang ginagamit sa acne at kagat ng insekto. Maari din naman itong gamitin sa varicose veins, eczema, at almoranas. Ginagamit ang witch hazel kasama ng mga sterile pads. Ibinababad ang mga pads na ito sa gamot, tinutupi, at nilalagay sa almoranas. Nagbibigay ito ng malamig na pakirdamdam at tumutulong sa pagpawi ng pamamaga at iritasyon.

Ang mga gamot na ito ay dapat lamang gamitin ayon sa payo ng iyong doktor at hindi dapat basta-bastang binibili. Nararapat na alamin muna kung gaano kalala ang sitwasyon bago gumamit ng gamot sa almoranas.

Mga Dapat Gawin Upang Maiwasan Ang Almoranas

Ayon sa isang kasabihan “prevention is better than cure,” kaya alamin natin kung paano maiiwasan ang almoranas:

  • Kumain ng Mga Pagkaing Mayaman sa Fiber – Kadalasan, ang mga taong nagkakaron ng almoranas ay mababa ang fiber levels at madalang kumain ng fiber-rich food tulad ng broccoli, brussel sprouts, peas at iba pang prutas at gulay. Ang fiber ay tumutulong sa pagpapalambot at pagpaparami ng dumi.
  • Uminom ng Maraming Tubig – Payo ng ating mga doktor na uminom ng ‘di kulang sa 8 baso ng tubig kada araw at dapat natin itong sundin. Nakatutulong din ang pag-inom ng tubig sa pagpapalambot ng dumi.
Gumamit ng Fiber Supplements
  • Gumamit ng Fiber SupplementsKung hindi talaga kayang masama sa diyeta ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay maari namang uminom na lamang ng fiber supplements. Ngunit kailangan ito samahan ng pag-inom ng maraming tubig dahil maari itong magdulot ng pagtitibi kapag hindi.
Ehersisyo
  • Ehersisyo – Manatiling aktibo at regular na mag-ehersisyo upang maiwasan ang pagtitibi at mabasan ang presyon sa iyong mga ugat. Makatutulong pa ito sa pagpapabuti ng kabuuan ng iyong kalusugan.
  • Huwag Umupo ng Matagal – Nabanggit kanina na isa sa mga maaaring sanhi ng almoranas ay ang pag-upo ng matagal na panahon kaya’t subukan iwasan ito. Mahihirapan ang karamihan na sundin ito lalo na ang mga nagttrabaho sa opisina pero maari namang tumayo at maglakad-lakad kapag sumasakit na ang iyong likod at puwetan.
  • Agad na Dumumi – Pag nararamadaman mo na ang pangangailangang dumumi ay wag na magtimpi timpi pa’t tumungo na sa banyo. Kapay hinintay mo pang mawala ang pakiramdam na ito ay magiging matugas at tuyo na ang iyong dumi at mahihirapan ka nang ilabas ito.

Tumungo sa The Generics Pharmacy Para sa Gamot sa Almoranas

Pagkatapos ng lahat ng ito, sana nama’y mawala na ang hiyang nakaakibat sa pagkakaroon ng almoranas. Maging bukas na tayo sa mga ganitong diskusyon upang hindi na mahirapan ang ating mga kapwang nakakaranas ng sakit na ito. Higit pa dito, sana ay mabawasan na ang kaso ng almoranas sa ating bansa. Pangkaraniwan man, ito ay isa pa ring delikadong sakit na dapat natin iwasan.

Para sa iba na hindi na naiwasan ang sakit na ito at kasulukuyang mayroong almoranas, dapat niyong malaman na ang The Generics Pharmacy ay nagdadala ng gamot sa almoranas at iba pang sakit.

Sa The Generics Pharmacy, madaling makabibili ng gamot sa almoranas sa abot-kayang presyon, pati na rin gamot sa ubo, diabetes, at sa sakit sa ulo. Mayroong mahigit 1900 na prangkisa sa buong Pilipinas akaya tiyak na mayroong malapit na establisyemento malapit sayo!

Kung interesado kang tumingin sa kanila mga produkto at serbisyo, i-click lamang ang link na ito!