Ano-ano ang Mga OTC na Gamot para sa Ubo?

Ano-ano ang mga over-the-counter na gamot para sa ubo?

  1. Cough syrup
  2. Cough lozenges
  3. Expectorants
  4. Antihistamines
  5. Decongestants

Overview

  • Ang ubo na may kasamang congestion ay sanhi ng impeksyon sa baga o mga problema sa daanan ng hangin.
  • Para mabawasan ang sintomas ng ubo, maaaring gamitin ang mga over-the-counter na gamot.
  • Ang mga ito ay nagbibigay ng solusyon at ginhawa sa ubo na may kasamang congestion, na nagresulta sa mas mabilis na pag-alis ng sintomas at pagpapababa ng lagnat.

Ang ubo ay isang karaniwang sintomas ng iba't-ibang kondisyon tulad ng sipon, trangkaso, o allergy. Kapag hindi ito agad napagtuunan ng pansin,  maaari itong magdulot nang mas malala pang karamdaman.

Mabuti na lang at sa panahon ngayon, marami ng over-the-counter na gamot para sa ubo na p’wedeng inumin para maibsan ang sakit at hirap na dala ng sakit na ito. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang ilan sa mga dekalidad na gamot na maaari mong mabili sa pinakamalapit na The Generics Pharmacy sa inyong lugar.

Cough Syrup

Ang cough syrup, isang kilalang OTC na gamot, ay mabisang lunas para sa ubo. Mayroon itong iba't-ibang sangkap tulad ng dextromethorphan na nagbibigay solusyon sa pagkontrol ng ubo. 

Madali itong mabili dahil hindi ka hihingian ng reseta ng pharmacy store. Isa sa mga halimbawa ng cough syrup ay ang GUAIFLEM guaifenesin, isang expectorant na makakatulong sa pagtanggal ng plema. Isa pang halimbawa ay ang NOCOF Vitex negundo L (Lagundi Leaf), isang herbal na gamot na kilala dahil sa anti-cough at anti-inflammatory na epekto nito. 

Cough Lozenges

Cough Lozenges

Isa rin sa mga over-the-counter (OTC) na gamot na maaaring magbigay ginhawa sa ubo ay ang cough lozenges o menthol lozenges. Ang menthol, isang pangunahing sangkap sa mga lozenges, ay kilala sa kakayahan nitong magpaliit ng lalamunan at makatulong sa pagpapadali ng pag-ubo. 

Bukod sa mga karaniwang lozenges, mayroon ding mga OTC na gamot na tulad ng TGP Lozenges Dichloro na nagbibigay ng masusing at mahusay na solusyon para sa mga nagdaranas ng ubo. Ito ay naglalaman ng dichlorobenzyl alcohol at amylmetacresol na may kakayahang mapabawas sa pangangati at makatulong sa agarang ginhawa ng lalamunan.

Expectorants

Para sa mga taong may ubo na may kasamang plema, ang mga expectorants na may guaifenesin ay maaaring maging epektibo. Ang guaifenesin ay tumutulong sa pagtanggal ng plema, na maaaring magpabawas sa pangangati ng lalamunan at iba pang sintomas ng ubo.

Bilang halimbawa, maari mong subukan ang COLDREX-G PPAHCl+Gua Syr. Ito ay isang produktong mayroong guaifenesin, na kilala sa kanyang epektibong pagtulong sa pag-alis ng plema at pangangati ng lalamunan. Ang syrup na ito ay nagbibigay ng solusyon para sa mga nakakaranas ng ubo na may kasamang plema, upang mabilis na maibsan ang kanilang mga sintomas.

Antihistamines

Antihistamines

Tulad ng CETIZINE Cetirizine, ang mga antihistamines na uri ng gamot na may kakayahang kontrolin ang mga epekto ng histamine, ay maaaring maging epektibo sa mga kaso ng ubo na may kaakibat na allergy. Ang mga ito ay nagbibigay nang ginhawa sa pamamagitan nang pagre-regulate sa allergic reaction na nagdudulot ng ubo. 

Mahalaga ang tamang pagsusuri sa uri ng ubo upang makatukoy nang nararapat na antihistamine. Sa pamamagitan nang paggamit nito tulad ng CETIZINE Cetirizine, maaring mabawasan ang pangangati, pamamaga, at iba pang sintomas ng ubo na dulot ng allergic reaction.

Decongestants

Isa rin sa mga mabising OTC na gamot sa ubo ay ang mga decongestants kagaya ng NASAFER Paracetamol+Phenylephrine Hydrochloride. Ang mga ito ay maaaring magsilbing epektibong solusyon para sa ubo na may kasamang congestion. 

Ang ubo na may kasamang congestion ay karaniwang sanhi ng impeksyon sa upper respiratory tract o mga problema sa mga baga at daanan ng hangin. Ang mga sintomas  na kasama bukod sa pag-ubo ay ang hirap sa paghinga nang malalim, na nagdudulot ng discomfort. 

Ang decongestants, tulad ng phenylephrine hydrochloride, ay nagbibigay ng tulong sa pagbawas nang pamamaga sa ilong at lalamunan, na nagreresulta sa mas mabilis na pag-alis ng sintomas ng ubo

Ang NASAFER naman ay isang komprehensibong gamot na hindi lamang tumutulong sa pag-alis ng ubo kundi pati na rin sa pagpapababa ng iyong lagnat.

Key Takeaway

Sa pag-unlad ng medisina, mayroon ng iba't-ibang over-the-counter na gamot para sa ubo. Ang pagpili ng epektibo at dekalidad na klase ng gamot ay mahalaga para sa kaligtasan ng iyong sarili at mga mahal mo sa buhay.

Sa tulong ng OTC na gamot, pagkonsulta sa doktor, at tamang impormasyon, maaari mong maibsan ang hirap at abala ng ubo. Mapapanatili mo rin ang kalusugan ng iyong respiratory system.

Hanap mo ba ang pinakamabisang over-the-counter na gamot para sa ubo? Tuklasin ang aming mga paboritong produkto sa The Generics Pharmacy. Huwag mag-atubiling bisitahin kami online  para sa kumpletong listahan ng dekalidad na gamot na magbibigay-ginhawa sa iyong ubo. Dito ka na sa TGP—ang TGPagpagaling ng Pilipinas!

Related Products

Related Blogs

Search on blog